HIV Screening—Compulsory ba Dapat o Hindi?

Isang issue ang pumutok kamakailan kung saan nasangkot ang 11 kalalakihan sa isang drug bust operation sa BGC. Lawful naman ang pagkakaaresto sa mga kalalakihang nahulihan ng Php 300K worth of party drugs ngunit sa press release ng PDEA at report ng media outlets, binigyang diin ang dalawang bagay: 1) na ang mga kalalakihan ay participants sa isang sex party at 2) ini-report ng PDEA ang HIV positive status ng isa sa mga nahuli. Kung susuriin ang pangalawang issue, pwedeng-pwedeng humingi ng tulong sa isang attorney in Manila ang biktima ng pag-a-out sa HIV status niya.

Ngunit kalian nga lang ba pwedeng sapilitang ipa-screen ang isang Filipino (iba siguro ang batas sa ibang bansa) para sa HIV?



Una sa lahat, ang HIV screening ay hangga’t maaari dapat fully voluntary o naaayon lamang sa pagnanais ng taong magpapa-screen. Ayon sa Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998 na tinatawag ding RA 8504, sa Sec 15 nasasaad na hindi maaaring gawing compulsory ang HIV testing. However, ang pagpapa-test ay highly encouraged dapat ng State lalo na para sa mga mamamayang at high risk of infection.

Kung ganoon, kailan lamang ba pwede i-require na magpa-HIV test ang isang tao? Even if you ask an attorney in Manila, isasagot niya lang rin sa iyo na tatlong pagkakataon lamang pwedeng i-require ang screening according to RA 8504, Section 17:

  • Kapag ang individual ay charged with crimes that are punishable under the Revised Penal Code.
  • Kapag kailangan ang determination ng HIV status para i-resolve ang kahit anong issue na relevant under the Family Code of the Philippines.
  • As compliance to the Organ Donation Act pati na rin sa National Blood Services Act.
Syempre, kung sino man ang mga susuri ng dugo mo at magbibigay ng recommendations ayon sa kalagayan mo ay malalaman ang status mo—kanino nila pwede i-share? Sa lahat lang rin ng mga health workers na involved sa iyong treatment. Kahit pagdating sa legal concerns, ang HIV status ay pwede lang malaman ng mga taong involved sa kaso at ilegal ilabas ang impormasyon na iyon.

In fairness, wala namang paglabag sa karapatan ng nasabing HIV positive individual pagdating sa pagpapa-test—ayon sa mga report, dahil may nakitang medications sa bag ay sinabi ng individual ang kaniyang status. Ang pagkakamali at maaaring pwedeng kasuhan ay ang PDEA para sa pag re-report ng status na ito. Kahit suspect siya, ang nasabing individual ay pwedeng humingi ng tulong ng attorney in Manila para ma-compensate ang public disclosure ng kaniyang HIV status.

(May pangangailangan na tulong legal? Subukang magbasa at humingi ng payo sa site na ito: NDV Law Legal Advice)

No comments

Powered by Blogger.