FAQs at mga Sagot Tungkol sa Bagong Anti-Distracted Driving Act


Bilang mga Pinoy, karaniwan ay sadiya talaga tayong mahilig mag cellphone at mag gadget. Minsan nga naman na tayong tinawag na Texting Capital of the World, at kamakailan lang ay napagalaman tayong rin ang bansang pinaka malaki ang oras na inialalaan sa social media. Kaya rin hindi natin mabitawan ang ating mga mobile devices kahit pa nagmamaneho!

Pero dahil sa bagong Anti-Distracted Driving Act, baka kailanganin mo na ng attorney kapag nag cellphone ka habang nagda-drive sa Manila at sa buong bansa. Dati nang sinimulang ipatupad itong batas ngunit umani ng madaming hindi natuwa kaya ngayon ay nirepaso na ito bilang ang Revised Implementing Rules and Regulation (Revised IRR) for Republic Act No. 10913. Maaring may ilang tanong ang kaya naming tulungan sagutin sa article na ito kaya patuloy lang basahin ang kabuuan ng article na ito.


Ano ang mga bawal kong gawin?

Basically, bawal kang may ibang gawin dapat bukod sa mag drive—hindi ka dapat nagse-cellphone, smart phone, tablet, laptop, cordless home phone at iba pang device habang nagmamaneho.

Bawal pa rin ba ang dashcam at paglalagay ng phone sa dashboard at ibang display?

Pwede na! pwede na ulit ang dashcam at mga abubot tulad ng rosario, stuff toys, laruan, at kung ano ano pa sa dashboard. Kung gagamitin ang cellphone para sa map apps tulad ng Waze, maaari lamang ito kung naka mount sa dashboard at walang 4 inch ang taas mula dito. Gumamit at magdala ng ruler sakaling masita at nang di mo na kailanganing ipagtanggol ng isang attorney in Manila.


Pwede ba ako mag gadget habang naka hinto?

Bawal kang mag gadget kung ikaw ay naka temporary stop tulad nang kapag naipit sa traffic o kapag napahinto sa stop light intersection kaya huwag isiping pwede kang mag Facebook saglit total 120 seconds pa bago mag “go”. Kung kailangan talagang gamitin ang phone, dapat ay tumabi sa gilid ng kalsada kung saan mamari kang maconsider bilang “legally parked”. Tsaka ka mag tweet.

Saan-saan ba ako pwede mahuli?

Ang implementation nito pam-buong bansa, at ang mga pwedeng humuli sa iyo ay mga enforcers. Pero huwag kang pakasisiguro dahil sa Kalakhang Maynila ay ini-implement na rin ang no-contact apprehension—may mga high definition na CCTV na minamatyagan kung re-reply-an mo ba si crush sa Messenger—at ito ay maaaring i-adapt sa buong bansa.

Ano ang mangyayari kapag nag gadgets ako habang nagd-drive?

Ang mga mahuhuli ay maaaring multahan ng 5,000 hanggang 30,000 pesos alinsunod sa offense at masususpinde pa ang lisensya. Ngunit minor lang yan; kung tutuusin swerte ka pa kung maaari mong tawagin ang attorney mo sa Manila para ilakad yung pagbawi mo ng lisensya—kadalasan sa texting while driving ay nauuwi sa aksidente. Hindi lang naman ipinatupad itong batas para paghigpitan ka; higit dito ay layong panatilihin ikaw, ibang motorist, at mga pedestrian na ligtas.

References:

No comments

Powered by Blogger.