Balita: Batas Laban “Endo”, Walang Kagat!



Sa ating nakaraang talakayan, nagkaroon tayo ng isang mabilis na pagsusuri ng mga uri ng employment sa Pilipinas. Isa sa ating mga nabanggit ay kung paano ang ilang mga mambabatas natin ay magpapasa ng batas para itigil na ang contractual employment. Good news: naipasa na ang batas noong April 18; bad news: walang masyadong magagawa ang attorney in Manila sakali mang contractualized employee ka.

Kung tutuusin kasi, ang contractualized employment ay catch-all term para sa kahit anong employment na tumatagal lang base sa contract tulad ng fixed term employment, co-terminus employment, seasonal employment, project based employment, at marami pang iba.

Ang “endo”, kung paano natin ito kilala, ay nagbubuhat sa pangaabuso ng contractualization. May mga trabahong alam naman nating hindi talaga pangmatagalan, halimbawa ay pagiging model para sa isang commercial—reasonable na tapos na rin ang kontrata mo kapag na-shoot na ang commercial. Ngunit may mga trabahong, tulad ng pagiging “diser”, na ikaw at ikaw lang din ang empleyado at alam mong ayaw ka lang i-regular ng iyong amo kaya’t bago ka lang nang bago nang kontrata. End of contract. Endo ka nang endo.

Ang pinakamaraming kayang itulong ang mga labor attorneys in the Philippines ay sa mga empleyadong tenured o silang mga regular na. Sa bagong ipinasang batas, ipinagbabawal na ang “illegal labor contracts” pero pwede pa rin ang ilang uri ng mga contractualization schemes. Paliwanag ni Labor Secretary SIlverstre Bello III, ang mga seasonal or project-based na trabaho tulad ng pagiging janitor o maintenance worker ay pinapayagan pa rin.

Aminado ang Pangulong Rodrigo Duterte na “walang ngipin” ang bagong batas. Nagbawal ito ng contractualization (unspecified) at hindi rin ito nagbigay nang mga kaukulang parusa. Paniniwala ng Pangulo na ang pagpaparusa sa malalaking kumpanya ay maaaring ikasama niya. “You know, you’re asking me to violate the law. What if I get impeached? Who would give me work?” dagdag niya.

Maraming labor groups and attorneys in the Philippines ang hindi natuwa sa balita, lalo na ang mga labor groups na umaasang sa pagkakahalal kay Pangulong Duterte ay matatapos nga ang endo tulad ng kaniyang ipingako bago maupo.

References:
http://newsinfo.inquirer.net/986964/duterte-signs-executive-order-on-endo
http://newsinfo.inquirer.net/987545/duterte-admits-his-executive-order-on-endo-has-no-bite?utm_campaign=Echobox&utm_medium=Social&utm_source=Facebook#link_time=1525392856

No comments

Powered by Blogger.