Biglang Pagsensante ng mga PLDT Outsourced, Ligal ba?

Noong nakaraang July 2, nabalita ang pagra-rally ng ilang empleyado ng PLDT bilang kilos protesta sa kanilang biglang pagkakatanggal sa trabaho. Bukod sa regularization, sila ay humihingi rin ng tulong mga sa mga magagaling na attorneys in Manila at Department of Labor and Employment or DOLE na siyasatin ang pagkakasisante nila at maibalik sila sa kanilang trabaho.
Ayon sa detalye ng mga reports at iba’t ibang accounts sa social media, unang nalaman ng mga empleyado na wala na silang trabaho noong July 1. Ito ay matapos ibaba ng PLDT ang pataw na pakakawalan na nila ang 38 sa kanilang mga hawak na services contract providers. Sa makatuwid, sila ay mga outsourced employees na nagkataon lang ay tumatanggap ng tawag at iba pang assistance service para kay PLDT. Ilan sa kanila ay kontraktualisado sa PLDT para sa matagal na panahon, umaabot pa ng 33 years, baka higit pa sa iba.

 

 Bukod dito ay nagbaba na ng pataw ang DOLE sa telecom company para udyukin itong gawing regular ang 7,000 plus sa kanilang tao bilang hakbang kontra contractualization. Giit ng PLDT ay wala silang nilabag sa unang pataw ng DOLE bagkus ay sinusunod din lamang nila ang isa pang cease and desist order mula sa DOLE na bitawan ang kanilang mga contractors. Kung kaya’t ang resulta ay ang pagkakatanggal sa trabaho ng maraming representative agents hindi lang sa Manila kundi pati na rin sa ibang lugar tulad ng Cebu, Alabang, Baguio, at Lucena.

 Ayon sa isang attorney in Manila na si Labor Secretary Silvestre Bello III ay mukhang hindi na uusad ang apila ng PLDT na baliktarin ang naunang pataw ng DOLE sa pagre-regularize sa mahigit 7,000 na empleyado na kanilang inakyat bilang petition sa Court of Appeals. Bukod sa naipataw na ito, naniniwala si Bello na ang ginawang pagtatanggal ng PLDT sa mga empleyado ay isang paraan ng pag-circumvent sa requirement ng DOLE. Ilang labor groups kasama ang kanilang mga lawyer ang nagbigay pa ng karagdagang pagsisiyasat sa kasong nabanggit ayon sa July18 report.

(Realted post: Iba Pang Labor Violations na Nilabag ng Ibang Kumpanya)

Si Dan Nazario, presidente ng PLDT Organization of Workers & Employees for Right (POWER) ay nakikiisa sa ibang mambabatas para maghain ng resolution para sa isang House inquiry sa hiring ng PLDT. Kung magbabase sa batas na mayroon tayo ngayon, maaring walang malinaw na sagot para sa purgatoryong kinalalagyan ng mga dating empleyadong walang trabaho sa ngayon ngunit higit na mukhang papabor sa PLDT itong kakulangan ng nakasasaklaw ng batas. Pero dahil ito ay kasalukuyang sinisiyasat ng mga attorneys in Manila, ibang mga labor groups, at ng DOLE, ang magiging desisyon sa kasong ito ay magsisilbing precedent o desisyong pagbabatayan para sa mga kawangis na kaso sa hinaharap.

No comments

Powered by Blogger.