Mga Legal Requirements na Dapat Mong Ihanda sa Pagtatayo ng Business Ngayong 2019

Madalas nating marinig ang payo ng mga eksperto na kung ikaw ay magsisimula ng negosyo, simulan mo sa pagpasok ng bagong taon. Mas maganda nga namang i-timing sa pagpapalit ng taon ang pagkasa sa iyong planong sariling business dahil ikaw ay nagiging mas motivated. Bagong taon, bagong pagkakataon ika nga.

Kung ikaw ay magsisimula ng negosyo, isa sa mga una mong dapat gawin bukod sa pagkonsulta sa isang corporate lawyer ay ang pag-aayos ng mga dokumentong required to operate business in the Philippines tulad ng mga sumusunod:

1. DTI or SEC registration – importanteng naka-register ang trade name mo sa mga angkop na government agencies bago mag-operate ang iyong business para iwas aberya. Kung saang government agency ka magre-register ay depende sa nature ng business mo (sole proprietorship, partnership, corporation).



  • Sole Proprietorship – bilang sole trader, ikaw ang tanging owner ng business mo.


Where to register: Department of Trade and Industry




Where to register: Securities and Exchange Commission


  • Corporation – kung sa sole proprietorship at partnership ay personally liable ang mga business owners pagdating sa debts and obligations, hindi ito nag-aapply sa corporation dahil may sariling legal personality ang nasabing business organization.


Where to register: Securities and Exchange Commission



2. Mayor’s Business Permit – ito ang magsisilbing lisensiya upang ikaw ay makapagtayo ng local business sa city or municipality kung saan ka naka-based.

Where to register: City or Municipal Hall kung saan located ang iyong business.



3. BIR Registration – bilang isang business owner, kailangan mong magbayad ng mga karampatang tax para sa operation ng iyong negosyo. Kailangan mong i-register ang tax identifaction number ng iyong business, kumuha ng official receipts, invoices, at books of accounts na rehistrado sa BIR at magbayad ng mga applicable fees.



Where to register: Bureau of Internal Revenue’s Revenue District Office



Paalala: Karaniwang nire-require ng BIR at City/Municipal Hall na ikaw ay registered sa SEC o DTI bago nila bigyan ng permit ang iyong business.



4. Mandatory Employee Benefits & Contibutions – kapag ikaw ay nakapag-register na at mayroon ng business permit, i-enroll mo na ang iyong mga empleyado sa mga government agencies tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG Fund para sa remittance na kanilang contributions kasama ng iyong employer’s share.

Kapag nakuha mo na ang lahat ng legal documents na ito, maaari ka ng mag-operate ng sarili mong negosyo ngayong taon. ‘Wag kalimutang kumonsulta sa corporate lawyer in the Philippines para maiwasan ang mga legal issues na maaaring kaharapin ng business mo.

No comments

Powered by Blogger.