Nasobrahan, Nasktan: Impact ng Surplus Import Cement sa Local Cement Industry at Safeguard Measures



Sea freight ang isa sa pangunahing paraan ng pagpapasok ng mga goods dito sa Philippines. sa katunayan, napakalaking halaga ng exportation at importation, hindi lang sa pangkalahatang economiya kun’di pati sa ating simpleng pang araw-araw na buhay. Ang kalabisan nito ay nakasasama sa parehong paraan rin.

Mula 2013, dahil na rin sa paglakas ng demand, nagpapasok ng maraming cement dito sa bansa mula sa ibang bansa. Pangunahin sa mga nagi-import ng sementong ating kinukuha ay ang Vietnam. Patuloy lang ang importation natin ng semento na papataas lang nang papataas ang dami tuwing taon hanggang nitong 2017. Ang pinakamalaking naangkat natin, at maaaring pinakapinagkakitaan din na taon ng mga sea freight providers sa Philippines ay noong 2015 kung kalian tumaas ng halos 4400% ang volume ng ating inangkat na semento.

Dahil sa dami ng imported cement, pumasok ang 2018 sa tunog ng hinanaing ng ating local cement manufacturers—wala silang customers! Dahil sa surplus ng cement, humina ang negosyo ng mga local players. Ano ngayon ang maaring gawin ng pamahalaan para ibalik ang advantage sa local industries?

Ang Safeguard Measures ay isang uri ng emergency protocol na ginagamit para sa proteksyon ng kahit anong domestic industry na under great risk. Kung naaalala niyo ang dating ban na inilagay sa paputok, ang safeguard measures din ang nagsiguro na hindi mawawala ang industriya sapagkat isang mahalagang pangunahing industriya na bumubuhay sa maraming pamilya ang fireworks making. Ganoon din ang nilalayon na epekto nito para sa recent crisis ng local cement industry.

Kung noong 2017, umabot sa 100 million tons ang dumating na inangkat na semento, malaki ang nakikitang ibabagsak nito ngayong taon at sa mga susunod pa. Magandang balita ito para sa mga local manufacters; bagama’t may malaki pa rin stock ng surplus na cement mula sa ibang bansa, sa mga susunod na taon ay sigurado namang sila na ulit ang key players ng industriya. Masamang balita naman ito para sa mga exporter tulad ng Vietnam; malaking kawalan ito para sa kanilang bansa. Maging sea freight lines sa Philippines ay kakailanganin maghanap ng bagong exportation clients, sapagkat naging malaking market ng logistics industry ang large volume importation sa pagitan ng mga nasabing bansa.

Kung mayroon man tayong natutuhan mula dito, iyon ay may kapasidad tayong proteksyunan ang mga local na industriya.

No comments

Powered by Blogger.