Huli ka rin! Mga Dapat Malaman Tungkol sa Mission Order




Hindi na bagong balita na maari kang parahin sa EDSA at iba pang major highways ng Manila ng “MMDA officers” kahit na wala kang apparent traffic violation. Saglit lang, hindi mo kaagad kailangan ng legal services ng isang abogado; ang kailangan mo muna ay malaman ang mga dapat mong gawin para siguraduhing ikaw ay dumadaan sa due process AND ALSO malaman kung ikaw ba ay illegally apprehended at nang isang nagpapanggap na MMDA officer.

Ayon sa isang report ng Inquirer, isang motorista ang pinahinto ng isang MMDA officer. Sinabihan siyang siya ay titikitan at ang danyos ay nagkakahalagang P2000; matapos ay kinumpiska ang kaniyang lisensya. Nang minabuti niyang kuning ang kaniyang lisensya sa opisina ng MMDA sa Makati, napagalamang walang nai-surrender na lisensya doon at ang kaniyang apprehending officer ay hindi rin kasama sa mga nakalistang empleyado ng branch, maging ng buong ahensiya.

Babala ng MMDA, bukod sa pinaiigting na nila ang no-contact apprehension, hindi na rin nila kinukumpiska ang lisensya ng isang driver majority of the time. Hindi mo muna kailangan ng legal services in the Philippines, at kailangan mo lang ng maiksing gabay sa tuwing kalian ka pwedeng hingang ng lisensya (karamihan sa kanila ay para sa mga professional drivers).

Pero ano nga ba ang ipinapayo sa mga motorista? Hingin ang tinatawag na Mission Order. Ang lahat ng MMDA Officer na naka-deploy para sa araw na iyon ay laging may dalang Mission Order. Nakasulat dito ang detalye sa kung saan ang kanilang designated area of duty, ano ang responsibility nilang i-perform, at iba pang detalye. Maging ang opisina ng MMDA ay binibigyang-diin ang halaga ng paghingi ng Mission Order para na rin sa proteksyon ng mga motorista mula sa mga nanunubok mang-scam ng mga tao. Heto ang isang sample ng mission order mula kay Yvez Gonzalez (@doblezeta http://bit.do/eQeya)





Kung walang maipakitang Mission Order ang isang MMDA officer, possibleng ito ay nagpapanggap lamang o kaya ay sumusubok makakuha ng kickback; kahit hindi ka humingi ng tulong sa legal services ang MMDA mismo ang kumukundena sa mga ganitong modus sa Philippines kaya’t wag matakot mag-report para sa mga katiwaliang iyong ma-experience. Tandaan, kapag ika’y nahuli sa tila  hindi tamang dahilan, huwag mahihiyang magtanong kung “may Mission Order ba kayo?”

No comments

Powered by Blogger.