Mga Dapat Mong Malaman tungkol sa TRAIN Law (Part 1)


Ika nga nila, “Bagong Taon, bagong buhay,” pero dito sa atin, may isa ring bagong pasok na batas. Matapos na repasuhin ng mga lawyer senators natin sa Manila, heto na’t actively na ini-implement ang bagong batas na kung tawagin ay TRAIN Law.


Pero ano nga ba ang TRAIN Law at ano ang kahulugan nito sa mga mamamayan sa kasalukuyan at sa hinaharap?


Ang TRAIN Law ay abbreviation ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law at layunin nitong baguhin ang already existing 20-year old na batas ayon sa buwis. Isa sa mga dahilan ng pag-revamp ng nasabing batas ay para sa pag-a-allocate ng 70% ng National Budget sa infrastructure at karagdagang 30% para sa social services, specifically sa pag-a-assist sa mga mahihirap at pagpapaganda ng kalidad ng pagtugon sa kagutuman at public health.

So ano ang aasahan natin sa bagong tax reform law? Well, good news para sa mga employed nating kababayan dahil itinaas na ang salary threshold ng kung sino ang dapat magbayad ng income tax.


Income Tax
Noon
10,000 or below per annum = 5%
500,000 & above per annum = 32%
13th month + other benefits 82,000 & below = 0%
Ngayon
250,000 or below per annum = 0%
8M and above per annum = 35%
13th month + other benefits 90,000 & below = 0%

Kung tutuusin ay good news ito dahil mas malaki ang mate-take home ng mga call center agents sa Pasig, promodisers sa Quezon City, lawyers sa Manila, o kahit sinong sumusuweldo above minimum (kadalasan ay mga nag-oopisina). Kung dati ay napakasakit sa bulsang madagukan ng halos 1/3 ng kita mo ang mapupunta sa tax, ngayon, kailangan ka munang maging bilyonaryo bago ka singilin ng gobyerno ng buwis.

Pero para sa mga nag-oopisina iyan—paano naman kaya ang mga mamamayan nating kumikita below minimum? Paano ang mga kababayan natin sa construction, agriculture, mga self-employed nating kababayan na nagpapatakbo ng mga sarisari store o may puwesto sa palengke, mga jeepney drivers, at mga kasambahay?

Kung tatanggalin nga naman natin ang buwis mula sa income ng mga tao ay kakailanganin nating kunin ito sa ibang paraan kung kaya’t tataas ang buwis sa mga bagay tulad ng krudo, langis, automobile, at mga sugary beverages. Sa susunod na article ay tatalakayin natin ang pangalawang bahagi ng TRAIN law na pinatupad ng ating mga lawyer senators in Manila.

3 comments:

  1. TRAIN Package 2 bill is pending in congress, once passed, lalaki makokolekta ng gobyerno para may gamiting sa mga magagandang proyekto...

    ReplyDelete
  2. Pwedi po paki send sakin ung boong details ng train law pls hindi kopo makita dito...

    Christopherracal@gmail.com

    ReplyDelete
  3. You completed a few fine points there. I did a search on the subject and found nearly all persons will go along with with your blog. www.gpwlaw-mi.com/florida-mesothelioma-lawyer/

    ReplyDelete

Powered by Blogger.