Magtanim ay ‘Di Biro: Rice Tariffication in the Philippines



Noong February 14, 2019, nilagdaan ng Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law na nagtatanggal ng import restrictions sa bigas. Sa pamamagitan nito, umaasa ang gobyerno na magiging mas abot-kaya para sa mga Filipino ang presyo ng bigas. 

Bagaman at maganda ang hangarin ng naturang batas sa unang tingin, there is more to what meets the eye, sapagkat sa batas na ito, may isang vital sector ang tiyak na maaapektuhan: ang mga magsasaka. Sa pagpasok ng imported rice sa Philippine market na liberal nang pinapayagan ng rice tariffication law, tiyak na maaapektuhan ang local farmers at small to medium agricultural firms.

Hindi ito patas, at least sa pananaw ng mga magsasakang Filipino. Sa pagpasok ng imported rice, lalong nagiging dehado sa merkado ang aning Filipino. Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, mas mababa ng 17 to 34 percent na ang halaga ng palay sa mga lalawigan, isang indikasyon na sa lakas ng pagpasok ng imported na bigas, bumababa ang demand sa locally grown crops na nagpapababa ng presyo nito na nauuwi sa pagkalugi ng mga magsasaka.

Bagaman at noong Pebrero lamang naipasa, may joint resolution na sa House of Representatives na nananawagan upang ma-repeal ang rice tariffication law. Ayon sa mga mambabatas na nagnanais ipasa ang resolution, sadyang mabigat ang epekto ng naturang batas sa Philippine rice production samantalang umuunlad ang importing firms at foreign farming industries. Ayon sa proponents who remain firm in calling for the repeal ng naturang batas, rice tariffication law might be the start of killing the local rice industry, na tila isang malaking irony para sa isang agricultural nation such as the Philippines na minsang nakilala bilang one of the leading rice producers in the world.

Sa ngayon, wala pang linaw kung ano ang kahihinatnan ng batas sa tariffication ng bigas at sa hanap-buhay ng mga Filipinong magsasaka. Kung numbers game lang ang pag-uusapan, tila malabong ma-repeal ang isang batas na kapapasa lamang na nilagdaan ng pangulo. Anu’t ano pa man ang kahinatnan nito, mabigyang-diin sana ang need for equity kung saan ma-address ang need for supply ng bigas without detriment sa mga lokal na magsasaka.

Para sa karagdagang kaalaman sa iba pang mga batas, bisitahin lamang ang site na ito: https://ndvlaw.com/category/legal-advice/

No comments

Powered by Blogger.