Iba Pang Labor Violations ng mga Kumpanya, Lumitaw
Sa nakaraan nating pagsisiyasat ay pinag-usapan natin ang ginawa ng PLDT na [pagsesante sa lahat ng kanilang mga outsourced employees]. Kabilang sa mga empleyadong mga ito ay mga call center at ibang customer service at technical support service agents na kumakatawan sa PLDT ngunit hindi nila direct employees. Ang mga nasabing employees ay tinutulungan ngayon ng mga labor groups at ilang lawyers in Manila para maayos ang kanilang kaso.
Dahil sa laki ng ingay na ginawa ng balitang ito, naglitawan ang iba pang mga balita tungkol sa ibang employers na mukhang may kakulangan rin sa kanilang mga empleyado. Pinakamarami ang mga sumbong na makikita sa Twitter kung saan ang ilang mga users ay humihingi na ng tulong sa mga attorneys sa manila at iba pang users sa pagbabakasakaling sila ay matulungan sa kanilang problema.Apparently, Manny V. Pangilinan is lashing out on contractuals. Di lang sa PLDT, pati sa Smart!#SavePLDTContractuals #StandWithWorkers pic.twitter.com/uSS9O2xtvX— No Chill Millennial #UnitedPeoplesSona (@darnitJC) July 2, 2018
Isang malaking balita ay ang pagsusumbong ng hindi nagpakilalang empleyado sa mass layoff na gagawin naman ng Smart Telecommunications bilang sila at ang PLDT ay bahagi na ng iisang institusyon. Isang mahalagang detalyeng mababasa ay ang pagtuturo ng kung anong isasagot ng mga empleyado sakaling mag-inspection ang DOLE para magmukhang sila ay mga regular na empleyado—isang taktikang ginamit din umano ng NutriAsia sa kanilang pagsubok na hindi iregular ang mga empleyado, na ang ilan ay hindi rin nakatatanggap umano ng minimum wage. Isang malinaw na labor violation ay ang lantarang pagbabawal ng PLDT/Smart na bumuo ang mga empleyado ng union.
Isang nag-surface rin na issue ay ang hindi makataong pasweldo ng Burger Machine sa mga empleyado. Bukod sa hindi na sila pinasusuweldo ng minimum wage, kung inyong kikilatisin pa ang thread ng tweets ni @HeyClarince_ tungkol sa pinagdadaanang pang-aapi ng Burger Machine sa kaniyang ina, makikita ang hindi maipaliwanag na “Shortage Bal”/DEDUCTIONS na walang breakdown at mukhang kumakain sa higit na 50-60% ng buong sahod ng empleyado.[a thread] #BoycottBurgerMachine— Clarince (@HeyClarince_) July 3, 2018
I hope this makes as much noise as pldt, jfc, and nutriasia. Please help me spread this. Maraming employee ng burger machine ang natatakot mag come forward kasi akala nila kaunti lang sila. pic.twitter.com/fDjiKloc0N
Bukod sa hindi na siya kumikita ng minimum wage, siya rin daw kung minsa’y tuluy-tuloy na sapilitang pinagtratrabaho hanggang 24 oras, at binabantaang kakaltasan para sa mga hindi nila ipapasok bilang “loses.” Siguro naman ay hindi na kailangan ng isang lawyer in Manila para ipaliwanag na mali ito, hindi lamang dahil nalalabag ang maraming salik ng Labor Laws, kitang-kita rin kung gaano ka-hindi makatao ang pamamalakad ng institusyon.
Buy pure titanium earrings at a discounted price online
ReplyDeleteShop our unique revlon hair dryer brush titanium Pure 2020 escape titanium Titanium earrings at a discounted price online. ✓FREE shipping on qualified t fal titanium orders. ✓FREE Returns. 2019 ford edge titanium for sale Rating: 4.3 · 4 reviews · $29.99 · In stock iron titanium