Batas Beyond Pinas; US Serves Justice for De Lima's Unjust Detention



So ganito yun: the years 2016-2017 saw the trial on drug charges regarding De Lima. Ayon sa mga nagsasampa ng kaso sa kaniya, siya ay isa sa mga pangunahing nagpapapasok ng droga sa Pilipinas gamit ang kaniyang dating position bilang Justice Secretary. Isa sa mga impetus ng appelants ni de Lima ay ginamit ang kritisismo ng nasabing Filipino Lawyer para sa Philippine Drug War na inilunsad ni Pangulang Rodrigo Duterte. Of note: isinampa ang mga accusation laban kay de Lima 17 days after siyang mabigyang parangal para sa kaniyang kampanya laban sa extrajudicial killings na involved sa nasabing Philippine Drug War.

Ilan sa mga nagtanggol sa karapatan ni De Lima makalaya ay ang European Parliament, going so far as to say na ang charged sa offenses ni De Lima ay “almost entirely fabricated.” Pagsusuhay naman ng Amnesty International ang pag tawag nila sa senadora bilang “prisoner of conscience”; pati na rin ang mga Filipino lawyers mula sa opposition at hiningi ang pagpapalaya kay de Lima para sa “mistrial” on 2017.

Bale fast forward tayo sa 2019-2020 kung saan umani na ng international attention and action ang maling pagkakabilanggo ni de Lima; bilang sanction ng USA, balak bigyan ng visa ban at freezing of any assets in the US ang lahat ng involved sa pagkakakulang ni de Lima alinsunod sa US Appropriations Act of 2020.

Pursuant to the 2012 Global Magnitsky Human Rights Accountability Act, the Secretary of State (US) shall ban from entering lahat ng credibly involved in the “wrongful imprisonment of… Sentor Leila de Lima.” Hindi lamang iyon, ngunit frozen na din ang lahat ng assets/properties nila katulad ng mga lupa, condos, bahay, kotse, at bank accounts sa USA ng mag mapapangalanang politicians.

Sa initial na listahan, ang mga pinangalanan ay ang mga sumusunod: President Rodrigo Duterte, Panelo, former House Speaker Pantaleon Alvarez, Representatives Rey Umali and Rudy Fariñas, Solicitor General Jose Calida, former Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Public Attorneys Office chief Persida Acosta, former Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson, Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam, Presidential Anti-Corruption Commission chair Dante Jimenez, Netherlands-based pro-Duterte blogger Sass Rogando Sasot, and pro-Duterte blogger RJ Nieto. Nagpasa na ng panibagong listahan nitong February 25, 2020 at ang mga pataw ang maririnig kalaunan.

Take away: sa kabila ng kaliwa’t kanan na mga balitang may pinapanigan ang hustisiya dito sa bansa, maganda pa ring malamang hindi kimi ang international bodies sa ating mga issues at hindi pa rin too late maging Filipino lawyer; itong mistrial ni de Lima ay dapat pagkatutuhan at maging basehan para sa mas patas na hustisiya para sa lahat.

No comments

Powered by Blogger.