Where’s My Receipt?



Naranasan mo na ba na matapos kang magpa-gas ng iyong sasakyan at habang iniaabot mo na ang bayad, tatanungin ka ng gasoline boy: “Reresibuhan po ba?” Sa kabilang banda, nakakita ka na ba ng mga food establishments kung saan nakalagay na “If we do not issue receipt, your meal is for free”? Sa dalawang halimbawang ito, makikita ang magkalayong perception ng mga businesses tungkol sa pagbibigay ng resibo sa mga customer.

Basic para sa mga corporate lawyers sa Pilipinas para makita agad ang mali sa mga halimbawang nabanggit. Sa ilalim ng Section 237 ng Tax Code, kailangang magbigay ng resibo ng anumang negosyo para sa mga bentang nagkakahalaga ng isandaang piso (PhP 100) o higit pa. Ang totoo n’yan, hindi option lang ang pagbibigay ng resibo kung kaya’t mali ang unang halimbawa, at bilang consumer, may magagawa tayo to do our share.

Unang-una, dapat lang na bigyan tayo ng resibo para sa mga binibili natin. Whenever we buy goods, at least 12% ng halagang ating binayaran goes to taxes in form of value added tax. Kung walang resibong ibinigay sa atin, wala tayong kaseguruhan na mapupunta nga sa gobyerno ang 12% na buwis—at hindi maliit ang 12% lalo na sa karaniwang mamamayan.

Ikalawa, para sa mga business owners o operators, mariing ipinapayo ng corporate lawyers in the Philippines ang pagbibigay ng resibo sa mga customer, hingin man nila ito o hindi. Bukod sa mandatory requirement ito ng batas, maaaring pagmultahin ng hanggang PhP 50,000 o makulong ng hanggang dalawang taon ang sinumang mapatunayang hindi sumusunod sa pagbibigay ng resibo.

Sadyang sa unang tingin, tila ba dagdag na kalat lamang ang mga resibo sa tuwing may binibili tayo bilang mga consumer, o dagdag na operational cost naman kung may negosyo. Anu’t ano pa man, malaking bagay ang paghingi at pagbibigay ng resibo sapagkat may papel itong ginagampanan sa nation building.

Kung may karanasan ka sa mga establishments na hindi nagbibigay ng resibo o maging ayaw magbigay ng resibo, o kung bilang business owner, may katanungang may kinalaman dito,may mga corporate lawyer in the Philippines na tiyak na makapagpapayo sa’yo ukol sa iyong mga Karapatan at responsibilidad.

17 comments:

  1. Gud pm maam sir meron po kasi kameng pinag sanglaan na hindi nagbigay ng resibo tapos bumalik kame sa sanglaan after 2days dahil tyaka lamang napansin ang pinagbago ng sinangla namen na iphone xs max tapos nung tinubos na namen sa halagang 15,400 tyaka lamang namen napansin na clone na ito at angat na ang lcd hindi nila kame binigyan ng resibo sapagkat ang dahilan nila is magbibigay lang sila ng resibo kung kailangan ng costumer

    ReplyDelete
  2. hello po may tanong lang ako, pano po kapag pineke ang resibo? may runner po kasi sa kompanya namin lahat pala ng resibo na binibigay nun sa manager namin ay dinoktor na nya,. ano po kaya ang magging kaso nya kung sakali?

    ReplyDelete
  3. Hello po Atty. Pwedeng bang i-complaint at sakop ba ito ng batas? Pwede rin ba ito i-complaint sa pulis? Ang gusto ko pong i'complaint ay ang isang watchmaker/technician na ayaw magbigay ng resibo, nakasira ng relo ko at tinanggal at kinuha pa ang piyesa ng relo ko. Sana po ay mabigyan ng kasagutan ang aking mga tanong Ingatan nawa po kayong lahat ng Dios. Maraming maraming salamat po sa Dios.

    ReplyDelete
  4. Hello atty... May itatanong po sana ako. Namatayan kami at nalibre ang serbisyo sa punerarya at cremate. Pero may babayaran kami para sa urn. Ngayon po para malakad kopo ang Funeral benefit ng asawa ko kailangan namin ng resibo ng urn amounting to 7,000 pero mariing tumatanggi ang opsina ng punerarya na hindi sila nagbibigay ng resibo para sa urn na binili namin.Kahit anong hingi at paliwanag ko ay ayaw tlga nila magbigay ang binigay lng nila ay petty cash voucher. Paano po iyon Atty.? Paano ako makakakuha ng resibo? Salamat.

    ReplyDelete
  5. Hello.. Ask ko lang po if pwede pa ako maka-demand ng resibo sa merchant kung ang transaction ay nangyari in the past 3 months? Hindi po kasi nila ako binigyan at hindi rin ako nakahingi that time. Pwede pa po ba ako magdemand sa kanila?

    ReplyDelete
  6. hello po ask ko lng po nagbabayad kami ng upa sa bahay. 4doors po yung paupahan ngayon ang binibigay sa ami g resibo ng may ari yung nabibili sa palengke hindi siya official receipts. tiyak di nila dinideclare yung upahan sa bir

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag ka mag bayad pag ganyan sir pag ang binayadan mo 5000 above tapos hindi ka Nila bigyan ng receipt.bayad tapos receipt ganun.. unfair yan sa mga nagbayad ng taxes.

      Delete
    2. Ganyan din yung nirentahan nmin. Walang serial number ang resibo. Tapos hanggang ngyon hndi pa ibinabalik ung deposit na dpat ibibigay pag umalis na ang tenant nya.

      Delete
  7. tanong ko lang po yung hindi tama yung address sa resibo bawal din po ba yun at ano po pwede pong kaharapin nilang kaso ukol dito at isa pa yung 12%Vat po ipinapataw sa customer bawal din po ba yun at ano din ang kasng kakaharapin nila ukol po dito ang nasabing establisyimento ay alien Chinese na gumamit ng filipino para makapag operate ng negosyo dito sa pilipinas

    ReplyDelete
  8. Atty.nagrerent po kami ng bahay 4000 monthly.4 soors po ang pinapaupahan nila.ung resibo po na binibigay sa amin ay ung nabibili lang sa bangketa.pag na delay po kami kahit isang araw lng minu minuto po halos ang tawag at message sa amin.tapos hindi po nila inaasikaso mga tagas ng bubong at mga electrival nila dto na nag e spark ako pa po nagpapaayos.ano po maganda gawin..salamat po

    ReplyDelete
  9. hi ask kulang po nag resibo kase ako ng item tpos na mali lang po ako ng vat. pinapabayaran na po saken ng kahera diba pwede naman i cancel yun pinapabayaran nya po saken yung maling resibo ng worth 50 pesos?

    ReplyDelete
  10. Goodmorning po atty, kami po ay ngrerent ng house, hindi po kmi binibigyan ng resibo ako po ang nagimpose ng papirmahan n notebook n kada bayd nmin dun pumipirma ang tumatanngap ng payment, nung start n umupa po kmi dto sinabi nya n hindi dw po tlaga cla ngbibigay panu po kya un?
    Ngyon po ay pinapaalis nga kmi pero bayad po kmi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po naiabot sa customer at umalis na din po ang customer agad sa counter pero pagkalabas po ng store bumalik din po agad si customer at hinanap ang resibo.

      Delete
  11. Good Day, question po. Kung halimbawa po ba na nalimutan pong ibigay ang resibo sa customer pero bumalik po si customer at naibigay naman po ang resibo within the day of transaction wala pa pong 5mins ang nakakalipas. Maari pa din po bang mag complain ang customer?

    ReplyDelete
  12. Maari po bang ireklamo ang isang supplier na nagbebenta online at ipinabebenta niya sa kanyang reseller ang mga items niya pero walang kahit anong resibong binibigay?? Kahit pa nakaregistered bir at dti po ang supplier??

    ReplyDelete
  13. Itatanong ko lang po . May dating app po kami at may binebentang diamonds doon . yung reseller po ay nagbibigay ng edited na transaction ng gcash ! bale nagsesend ng Screenshot na nagsend na pero edited pala . may kaso poba yun?

    ReplyDelete
  14. Hi, just want to ask if what case may i file to a company that not issuing Officail receipt? I reserve and paid the whole down payment for a house and lot in rizal but the developer refuses to issue Official receit to all their buyers.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.