I Was Not Aware! Paano kapag Lumabag ka ng Batas na Hindi mo Alam?


Hindi lahat tayo ay may kakilalang lawyers kung kaya’t hindi din lahat tayo ay alam na alam ang gagawin kapag na-“huli” ng kinauukulan. Bakit may quote marks? Kasi ang iilan sa atin ay tiyak minsan nang nahuli para sa bagong pinaiiral na rules na hindi tayo aware!

Kung kaya’t mapunta tayo sa tanong: paano nga ba dapat ang pagi-impliment ng bagong batas?

Isang mabilis lang—ang mga batas ay iniisip, isinasa-papel, pinagdedebatehan, pinaplantsa, nirerepaso, at kung anu-ano pa sa kongreso. Ito ang dahilan kung bakit ito tinatawag na legislative branch of the government; sila ang tagapaglikha ng batas na siya namang ipapasa para ipatupad o i-execute. Sino ang mag e-execute? Aba siempre, ang executive branch na pinangungunahan ng presidente. Pagkatapos nitong masimulan i-execute, mahalaga na ipagbigay alam sa madla. Ang information dissemination, na karaniwang ginagawa 30 days matapos mapirmahan ang batas at bago ito ipatupad, ay bahagi ng implementation. Kung baga sa laro, hindi pwedeng basta-basta may new rules na hindi naman alam ng player o wala naman sa laro dati.

Mas madali itong maipakalat on a national level gawa nang maraming local media ang ibinabalita ito sabayan pa na ipapakalat ito sa social media at gagawin ring meme ng iba katulad ng pagbabawal ng mga single drivers sa EDSA.

Ngunit may mga rules na ini-implement na kahit mga lawyers natin in the Philippines ay maaring hindi kaagad aware. Kung madaling masubaybayan ang mga new rules implemented on a national level, hindi kasing daling subaybayan ang mga rules on a provincial level.

Minsan, ang pinaka patok na paraan nang pagi-inform ay sa pamamagitan ng mga malalaking paskil o public notice, kadalasan para sa batas trapiko tulad sa Lungsod ng Malolos. Ang iba ay nagbibigay paalala sa mga pagtitipon lalo pa’t mas aktibo sa mga community activities ang mga tao sa probinsya kumpara sa Kalakhang Maynila. Bukod sa lahat ng iyan, counted din ang pagbibigay impormasyon gamit ang social media, kadalasan sa Facebook groups at local community pages.

“Ignorance of the law does not excuse you from it” ika nga, kung kaya’t mahalagang mulat ka sa nangyayari sa paligid. Ngunit ano nga ba ang dapat gawin kung sakaling mahuli kang lumalabag sa isang bagong batas na hindi mo pa narinig? Una: humingi ng dispensa. Seryoso! Maari kang maitawid nang sorry mo kung sasabihin mo ang totoong hindi mo alam na may ganoong batas; mariin mo ring ipabatid na, bilang first offense mo, hindi ba dapat ay verbal warning pa lamang at wala pang penalties ang ipapataw?

Kung walang-wala talaga, maaring tanggapin mo na ang penalties tutal wala namang micro rules ang sila ring humahantong bilang grave offenses kapag nalabag—kadalasan ay community rules lamang tulad ng tamang pagpa-park ng sasakyan, tamang pagtatapon ng basura, etc.—and learn from your ignorance na lang. Ngunit kung tingin mo ay hindi ka nabigyan ng tamang pagkakataon para ipahayag ang iyong saloobin o baka ang nasabing bagong batas ay oppressive sa iyo, pwede mo itong isangguni sa DILG o sa isang lawyer in the Philippines.

No comments

Powered by Blogger.