Mga Dapat Mong Malaman tungkol sa TRAIN Law (Part 2)
Kung inyong maaalala, sa nakaraan nating post ay tinalakay natin ang kalahati ng TRAIN law. Kung ating babalikan itong bagong batas na ginawa ng mga attorney senators natin sa Manila, ang TRAIN ay nangangahulugang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law—pinaka layunin nitong pabilisin at pagibayuhin ang development ng infrastructure at pag-improve ng maraming free government services.
Isa sa pinaka malaking impressions nito ay sa mga taong nagtratrabaho sa formal sector bilang mga empleyado; karaniwang mga nagtratrabaho sa office, retail, at sa ilalim ng iba pang mas malaking kumpanya ngunit isa sa mga hindi natin natalakay noong nakaraan na higit kailangang bigyan ng pansin ay ang informal sector.
Ang ibig natin sabihin ay ang mga manggagawa na hindi umaabot ang suweldo sa bracket na taxable. Isang napaka laking impact sa kanila ay, dahil hindi sila nagbabayad ng tax dahil sa liit ng sahod nila, hindi sila magbe-benefit mula sa pag taas ng taxable salary bracket ngunit sa kabila ng kanilang dating suweldo na hindi naman tumaas, ngayon ay mas malaki ang babayaran nila para sa napakadaming pangunahing pangangailangan.
Kung tatanggalin ang buwis mula sa income, hindi maaaring hindi ito bawiin sa ibang paraan kung kaya’t inilaan ng mga attorney senators sa Manila ang singil ng buwis sa buong bansa sa mga sumusunod:
Coal
Coal Tax
|
|||
Noon
|
P10*
|
||
Ngayon
|
1st year = P50*
|
2nd year = P100*
|
3nd year = P150*
|
*per metric ton
Petroleum
Tax on Petroleum & Oil Products
|
|||
Noon
|
LPG = None
|
Diesel = None
|
Regular & Unleaded = 4.35
|
Ngayon
|
LPG
|
Diesel
|
Premium Gasoline
|
2018 = P1 per kg
|
2018 = P2.50 per L
|
2018 = P7 per L
|
|
2019 = P2 per kg
|
2019 = P4.50 per L
|
2019 = P9 per L
|
|
2020 = P3 per kg
|
2020 = P6 per L
|
2020 = P10 per L
|
Tobacco tax
Tobacco Excise Tax
|
|||||
Noon
|
2017
|
2018
|
|||
P30*
|
P30.20*
|
||||
Ngayon
|
Jan-June 2018
|
July 2018 - Dec 2019
|
2020-2021
|
2022-2023
|
2023 onwards
|
P32.50*
|
P35*
|
P37.50*
|
P40*
|
4% annual increase
|
*per pack
Beverage tax
Sweetened Beverage Tax
|
|||||
Noon
|
None
|
||||
Ngayon
|
W/ caloric & non-caloric sweeteners
|
W/ high fructose corn syrup
|
Exclusions
|
||
P6*
|
P12*
|
Milk
|
Meal replacement
|
||
Coffee
|
Medically required formulas & drinks
|
||||
100% natural fruit & veg juice
|
w/ coco sugar or stevia for sweeteners
|
*per liter
Kung may tunay na paroroonan itong balak ng mga attorney senators natin sa Manila para sa ikagaganda ng ating bansa, inaasahang makikita natin ito sa loob rin nitong taon at sa mas matulin na pace of development.
Leave a Comment