Employment Guide para sa Mga Soon To Be Employees


Graduation na naman. Ang ilan sa inyo ay makararanas na sa wakas ng sinasabi nilang “real world” (sino ba kasing nagsabing hindi “real world” ang paaralan?) bilang mga management graduates, IT graduates, fine arts graduates, at ang iba ay psychology. Karamihan sa inyo ay maghahanap ng trabaho except sa mga kaibigan natin dyan na baka kukuha ng karagdagan pang taon para maging doctors or lawyers  in the Philippines.

Pero even so, malaking tanong pa rin, anong tipo ng empleyado ka ba maha-hire as? Alamin ang inyong rights, risks, at iba pang kailangan mong malaman bilang fresh graduate at soon to be employee!



Ilang mga Uri ng Employment

Not all employers are created equal, at mas lalo pang they do not employ equally. Kung sa internet kayo naghahanap ng work, malamang ay mae-encounter ninyo ang iba’t ibang hiring modes tulad ng contractual employment, project-based employment, at ang pinakakaraniwan, regular employment. Itong tatlo lamang ang tatalakayin natin ngunit mayroon ring tinatawag na seasonal employment at casual employment.

Project Employment

Ang pagiging project employee ay nangangahulugang ikaw ay empleyado hanggang ang project o isang bahagi nito ay ginagawa. Ibig sabihin, hanggat tumatakbo ang isang project, employed ka. Or kung employed ka para sa isang phase lang ng project, matatapos lang ang iyong employment kapag tapos na ang phase na iyon.

Contractual Employment

Ang contractual employment naman ay mas kilala natin bilang mga position na nag-e-“endo” or “end of contract,” na kalimitan ay paulit-ulit na nire-renew na lang ni employer. Dating gawi ito para siguraduhin ng mga employer na hindi mareregular ang empleyado dahil renew lang sila nang renew ng contract, pero kasalukuyang naghahain ng batas ang mga senator lawyers in the Philippines para itigil ang ganitong pamamalakad ng ibang employers.

Regular Employment

Ito. Ito talaga ‘yun e. Regular employment ay ang tawag sa pagha-hire ng empleyado na pwede mong bigyan ng tenure or longevity sa trabaho. Ang karaniwang iral ng regular employment ay ang isang empleyado ay magsisimula bilang probationary employee, at kapag siya ay pumasa sa standards ng isang business, or kapag siya ay lumampas sa 180 days na hindi nahainan ng termination, siya ay considered na regular. Ang isang regular employee ay maaari lang matanggal sa dalawang paraan: “authorized causes” o mga kadahilanang pinahintulutan ng batas at “just causes” o mga dahilan na inilalagay niya sa panganib ang kaniyang sarili, iba, o ang kumpanya, at iba pang kahawig na dahilan na mas mapaliliwanag ng lawyer in the Philippines, pero susubukan pa rin nating tuklasin sa susunod na blog post.

No comments

Powered by Blogger.