Viral Car Accident sa EDSA, Sino ang Dapat Managot Ayon sa Batas?

Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang video ng isang babaeng nabundol ng isang sasakyan habang tumatawid sa EDSA. Samut-saring opinyon ang dumagsa sa comments section patungkol sa kung sino ang dapat managot sa nasabing aksidente, bagay na kailangan ng kasagutan mula sa ating mga lawyer in the Philippines. Narito ang aktwal na video mula sa Manila Bulletin:




Sa video na kuha ni Davelyn Ines, makikitang papatawid ang isang babae sa Quezon Avenue sa EDSA nang mabangga ito ng paparating na AUV. Nag-iwan ang insidenteng ito ng malaking katanungan sa mga netizens: sino nga ba ang dapat managot sa pagkakataong ito, ang driver o ang babae (pedestrian)?

Kung pakasusuriin ang nasabing video, malinaw na may kasalanan ang babae dahil sa ilegal na pagtawid nito sa EDSA. Bukod sa delikado, ang hindi pagtawid ng babae sa tamang tawiran ay maituturing na kaso ng jaywalking.

Ngunit kung ang kasalukuyang batas ang pagbabasehan, isinasaad nito na ang isang driver ay presumed at fault kahit pa may kasalanan man ang pedestrian na involved sa isang aksidente. Ayon sa Article 365 ng Revised Penal Code, ang sinumang mapatunayan ng negligence at imprudence ay kailangang maparusahan, bagay na hindi pabor sa mga motoristang nasasangkot sa aksidente involving pedestrians. Malaki kasi ang tiyansa na makasuhan ang driver hangga’t ang pedestrian ay nagtamo ng injury.

Nakasalalay sa magiging hatol ng korte kung ano man ang maaaring maging violation ng naturang driver. Kung sakali man, siya ay maaaring makasuhan ng reckless imprudence resulting to physical injuries at magbayad ng multa at ng gastusin sa pagpapa-opsital ng pedestrian.

Ang mga kasong gaya nito ang nais namang tugunan ng mga lawyers at lawmakers in the Philippines gaya na lamang ni Party-list Representative Neil Abayon. Malaki sana ang magiging laban ng nasabing driver sa korte kung sakaling naisabatas na ang House Bill 6925 o 'Philippine Responsible Driving and Accountability Act'. Ang nasabing bill ay naglalayong amyendahan ang batas tungkol sa road safety maging ang criminal, civil and administrative culpability and liability ng mga drivers involved in violations and road safety incidents, partikular na ang reckless impudence.

Kung maisasabatas, layon ng lawyer in the Philippines na naghain ng bill na gawing patas ang batas para sa mga drivers who were not at fault gaya na lamang ng driver sa viral video.
(Kung nangangailangan ng abogado, maaring mag-inquire sa NDV Law.)

Related Post:
Nasaan ‘yung 5 minutes? Working Policies on Illegal Parking

No comments

Powered by Blogger.