Si Miranda at ang Iyong Karapatan

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you." 
Madalas nating naririnig sa mga pelikula ang mga katagang ito kung may kinalaman sa pag-aresto ng isang salarin ang eksena; kung hindi man buo, madalas na naririnig natin ang mga katagang You have the right to remain silent. Ano nga ba ang mga katagang ito, at ano ang halaga nito sa ating mga ordinaryong mamayan?


Tinatawag ang mga declaration na ito bilang Miranda Rights. Interestingly, galing ito sa Amerika, sa desisyong Miranda v. Arizona na ibinaba ng US Supreme Court noong 1966, which was eventually adapted sa Philippine jurisprudence. Protocol ng mga arresting officers na basahan ng Miranda Rights ang sinumang inaaresto at maaaring maging ground for dismissal ng isang kaso ang simpleng hindi pagbasa nito sa punto ng pag-aresto.


Mahalaga na malaman ng mga tao ang tungkol sa Miranda Rights. Bukod sa karapatan na manahimik upang mai-preserve ang admissibility ng lahat ng salaysay sa mata ng hukuman, isinasaysay din dito ang karapatan na magkaroon ng attorney kahit during questioning. Common sa Philippines na ipinatatawag ang attorney ng nasasakdal as soon as maganap ang pag-aresto. Kung sakaling walang abogado ang inaresto at wala siyang pambayad para sa services ng private attorney in the Philippines, kasama rin sa kanyang mga karapatan na mabigyan ng pamahalaan ng abogado.


Bagaman at hindi ito ang kabuuan, mahalagang bahagi ng due process rights ng sinumang mamamayan ang Miranda Rights. Nagbibigay ito ng paunang tingin sa mas malawak na pool of rights na mayroon ang bawat tao na nagpapanatili ng balance sa justice system.

No comments

Powered by Blogger.