New Year, New Work: Mga Dokumentong Dapat Mong Ihanda sa Iyong Job Application

Magpapalit na naman ang taon, at kasabay nito ay ang kabi-kabilang resignation ng mga empleyado sa kani-kanilang mga trabaho. Kung isa ka sa mga magre-resign sa pagpasok ng bagong taon, dapat mo nang ihanda ang mga legal documents na kakailanganin mo sa pag-a-apply ng bagong trabaho—na ang ilan ay kailangang notarized ng Filipino attorneys. At kung ikaw ay nakalimot na, narito ang refresher ng mga dapat mong ihanda kung ikaw ay ma-hire sa ina-applyang trabaho.


Birth Certificate

(Image Source: FilipiKnow)

Para patunayan ang iyong identity, kailangan mo ng PSA (formerly NSO) birth certificate. Kalimitang hinihingi ito ng mga kumpanya, original copy man o photocopy.

Paano Kumuha: Maaaring i-request ito sa mga accredited offices tulad ng Census Serbilis Center at SM Business Malls o mag-apply online sa mga sumusunod na websites: https://nsohelpline.com/ o https://www.ecensus.com.ph/. Upang ma-process ang iyong request, kailangan mong magbayad ng Php330.


NBI Clearance

Ikaw ba ay nangailangan ng Filipino attorneys dahil sa kinaharap mong criminal record? Kung hindi naman ay congrats dahil makakakuha ka ng NBI Clearance na isa sa mga nire-require ng mga employers.

Paano Kumuha: Bago pumunta sa malapait na NBI clerance center, siguraduhing ikaw ay mag-set ng appointment sa kanilang website: http://clearance.nbi.gov.ph/. Kung wala kang hit o kapangalan, maaari mo itong makuha sa loob lamang ng ilang oras. Maghanda ng Php130 para sa NBI clerance fee at additional Php25 para sa e-payment service.


Certificate of Employment

Ito ang katunayang ikaw ay nakapagtrabaho talaga sa dati mong employer na inilagay mo sa resume mo. Maaaring hingin din ito ng bago mong employer sa iyo bago ka nila tanggapin sa trabaho.

Paano Kumuha: Kalimitang ibinibigay ito ng mga employers o HR sa kanilang resigned employees sa araw ng kuhaan ng backpay.


Medical Certificate

Ikaw ba ay fit to work? Ang medical certificate mo ang magsasabi sa bago mong employer kung ikaw ay 100% fit para sa trabahong ina-applyan mo. Lalong kailangan ang dokumentong ito kung ikaw ay mag-a-apply sa mga sensitive industries tulad ng food at healthcare.

Paano Kumuha: Kailangan mong mag-undergo sa isang medical checkup sa mga ospital na malapit sa iyo. May ilang employers naman na magbibigay ng instructions kung saang ospital ka dapat magpa-checkup para sa iyong medical certificate.


SSS/GSIS/PhilHealth/Pagibig Numbers



Dahil ikaw ay dati nang may trabaho, mayroon ka na ng mga ito. Kailangan mo na lang ibigay ang iyong mga existing numbers sa iyong bagong employer o HR para ituloy ang iyong mandatory employee contributions na beneficial din naman para sa iyo.

Paano Kumuha: Ang mga numbers na kailangan mo ay naka-indicate sa respective IDs mo.


BIR Forms

Kung ikaw ay lilipat sa ibang employer, kailangan mong i-update ang iyong tax-related information tulad ng BIR Form 2316 at BIR Form 1905. Dapat itong gawin upang masigurado ng bago mong employer na tama ang mga tax deductions na ini-remit ng dati mong employer.

Paano Kumuha: Makipag-coordinate sa dati mong employer o bisitahin ang website ng BIR (www.bir.gov.ph).

Kung hindi available, may mga ilang employer na manghihingi ng alternative notarized documents from Filipino attorneys tulad ng Summary of Earnings and Deductions, Affidavit of No Earnings at Affidavit of Minimum Wage Earnings.



Handa ka na ba sa iyong bagong trabaho sa pagpasok ng bagong taon? ‘Wag kalimutan ang mga dokumentong ito para makapagsimula ka na sa iyong bagong trabaho at mas maging happy ang new year mo.

No comments

Powered by Blogger.