Solo sa Corporation: Batas Para Makagawa ng Corporation ang Isang Tao



Usap-usapan ngayon sa circle ng mga corporate lawyers sa Pilipinas ang pagpasa ng Republic Act 11232 o ang batas na nag-amyenda sa Corporation Code of the Philippines. Sa pagpasa ng naturang batas, sinasabing maraming mga negosyante, lalo na ang mga nasa start-ups at small to medium enterprises ang makikinabang. Makatawag-pansin ang One Person Corporation o OPC na bahagi ng naturang batas kung saan pinapayagan nang magtatag ng korporasyon ang isang tao. Maaaring maisip ngayon ng nakararami: Ano ang meron sa bagong batas at ano pa ang magiging pinagkaiba ng sole proprietorship sa OPC kung gayon?

Una na rito ang usapin sa liability. Gaya ng dati, kung halimbawang malugi at magkaroon ng utang ang isang sole proprietor, maaaring habulin ng batas ang kanyang personal na ari-arian bilang kabayaran. Sa OPC, bagaman at isang tao lang ang incorporator, mananatiling labas sa usapan ang ari-arian ng may-ari ng negosyo. Tanging mga naging investment lamang n’ya sa negosyo ang maaaring habulin. Malaking bagay rin ang provision sa succession sa bagong amyendang batas para sa mga OPC. Sa isang sole property na negosyo, kung mamamatay man ang may-ari, kailangang magpa-rehistro ng panibago ng kanyang mga tagapag-mana; samantalang sa OPC, hindi na ito kailangan sapagkat may nominee at alternate nominee nang maaring magpatuloy ng negosyo. Inalis na rin ang limit na 50 years para sa isang corporation na nangangahulugang hangga’t hindi isinasara ang negosyo, mananatili itong buhay na corporate entity.

Iilan lamang ito sa mga feature ng bagong batas, ngunit sa kabuuan, pinapalagay na mas marami itong advantages kaysa disadvantages. Isang magandang advice para mas maunawaan pa ang bagong amyendang batas ang pagkonsulta sa isang corporate lawyer in the Philippines, lalo na para sa mga taong nagnenegosyo o nagpaplano pa lamang na pumasok sa negosyo. Ang knowledge, expertise and experience ng mga corporate lawyer in the Philippines ay sapat upang magbigay assistance sa mas malalim at mas masinsinang pag-unawa sa mga batas kagaya nito.

1 comment:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.