Super Power! Ano ang Special Power of Attorney?


May mga pagkakataon na may mahalagang bagay ka na kailangang isagawa, subalit hindi mo kayang isingit man lang sa iyong busy schedule. Halimbawa, kung may property ka na nais mong ibenta samantalang pumapasok ka sa isang corporation, chances are, wala kang gaanong oras para maisingit ang pagbebenta ng property kasama na ang mabusising paper works na katambal nito. Sa ganitong pagkakataon, kailangan mo ng special power of attorney upang magkaroon ka ng kahalili na maaaring gumawa ng mga transaksyon na may kinalaman sa pagbebentang nais mong gawin.

Isa ang special power of attorney sa mga legal services na mayroon sa Philippines na ginagamit upang makapag-designate ka ng ibang tao para gumawa ng mga bagay in your behalf. Hindi lang ito para sa pagbebenta ng property. Basically, puwede ka ring mag-issue ng special power of attorney para sa iba pang bagay na hindi maisasagawa kung walang authorization mo, kagaya ng certain transactions sa financial institutions at sa government offices, withdrawal of retirement benefits, managing of the business of the principal, obtaining a loan, mortgaging real property, at iba pang kahalintulad nito. Bagaman at tila ba masyadong makapangyarihan ang special power of attorney na tila ba nakatatakot itong ipagkaloob sa ibang tao, nakasaad din naman doon ang scope and limitation ng authority na ipinagkaloob mo. Besides, para maging valid ang special power of attorney, kailangan itong dumaan sa isang notary public na isa rin sa mga legal services na mayroon sa Philippines. Kailangan din ng valid identification ng nag-issue ng special power of attorney at ang pinagkalooban ng authority; usually, sapat na ang two government issued IDs.

Hindi naman overstatement na sabihing mabilis na talaga ang takbo ng panahon ngayon, at napaka-fast paced na rin ng society. Everybody’s busy, eka nga. Sa mga pagkakataon kung kailan nahahati tayo ng mga responsibilidad sa trabaho at ng mga personal na bagay na kailangan nating gawin, we can rely sa legal services na mayroon sa Philippines gaya ng special power of attorney to do the job for us.

Well, it may not be super powers, but it’s special.

No comments

Powered by Blogger.