Universal Health Care Act: Ano ang Maaaring Asahan?



Ikinatuwa nang nakararami ang naging pagsasabatas ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Act of the Philippines o UHC. In gist, layunin ng legal initiative na ito na magkaroon ng health coverage at mas malawak na access sa health services ang bawat mamamayang Filipino. In fact, itinuturing ito bilang paunang hakbang sa matagal nang nakabingbing reporma sa health sector sa Pilipinas.

Ngunit para sa ordinaryong mamamayan, ano nga ba ang mayroon sa UHC? Paano ba talaga nito direktang maaapektuhan ang buhay ng nakararami?

1. Covered ang lahat ng Filipino. Sa ilalim UHC, automatic na enrolled ang bawat mamamayang Filipino: mula sa mga manggagawa na nagbabayad ng PhilHealth premium hanggang sa mga nasa marginalized sector na may subsidy mula sa pamahalaan ang contributions.

2. Covered ang basic services accommodation. Sa ilalim ng UHC of the Philippines, sakaling ma-ospital ang isang Filipino, saklaw na ng PhilHealth ang basic services accommodation at hindi legal para sa anumang ospital ang ipagkait o pabayaran ang regular na pagkain para sa pasyente, kama sa isang shared room na may fan ventilation at shared toilet and bath. May kasama na rin itong primary care, mga gamot at laboratory tests. Magkakaroon na lamang ito ng bayad kung sakaling piliin ng pasyente ng mas mataas na uri ng accommodation sa ospital.

3. Mas malawak na saklaw ng basic accommodation.
Sa ilalim ng UHC, 90% ng bed allocation ng government hospitals ang dapat nakalaan para sa basic accommodations. 70% naman ang inaasahan mula sa specialized hospitals at 10% mula sa private hospitals. Samakatuwid, mas accessible na para sa mga tao ang makatanggap ng health care maging mula sa mga pribadong pagamutan sa bansa.

Bukod pa sa mga nabanggit, nagbibigay rin ang Universal Health Care Act of the Philippines ng administrative at legal parameters para matiyak ang epektibong pagpopondo ng health services para sa mga tao. Sa unang tingin, masasabi ngang isa na itong major step upang bigyang pansin ang sector ng kalusugan sa bansa. We could only hope for the best in terms of it success.

Para sa karagdagang kaalaman sa ibang batas, bisitahin lamang ang site na ito: NDV Law

No comments

Powered by Blogger.