Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Bagong ‘Work From Home’ Law


Pagod ka na ba sa araw-araw mong pagko-commute at pagka-stuck sa traffic sa EDSA? Maaaring ang bagong batas tungkol sa work-from-home na ang kasagutan sa iyong mga suliranin.

Nito lamang Disyembre ay pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Telecommuting Act kung saan ini-institutionalize na ang pagtatrabaho ng mga empleyado mula sa kanilang mga tirahan (work from home). Ngunit ano nga ba ang sinasabi ng bagong batas na ito kung tatanungin ang mga corporate lawyers sa Pilipinas?

Sa ilalim ng Republic Act 11165, maaari nang mag-telecommute ang mga empleyado sa private sector. Ibig sabihin, maaari kang magtrabaho sa isang alternative workplace gamit ang telecommunication at computer technologies.

Ngunit anong uri ng mga empleyado ang sakop nito? Piling industriya lamang ang saklaw ng nasabing batas. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang mga empleyadong gumagamit ng information and communication technologies (ICT) ay pasok sa bagong polisiya na ito.

Nakasalalay naman sa magpagkakasunduan ng employer at employee ang work arrangement na ito dahil optional lamang ang work from home. Kung ganoon, para saan pa ang nasabing batas kung optional naman pala ito?

Ginawa at inaprubahan kasi talaga ang Telecommunication Act bilang proteksyon sa mga work from home employees. Ibig sabihin, naglalayon ito na bigyan ng equal treatment ang nasabing uri ng mga empleyado tulad ng mga sumusunod:

  • Rate of pay, including overtime and night shift differential, and other similar monetary benefits not lower than those provided in applicable laws, and collective bargaining agreements
  • Right to rest periods, regular holidays, and special non-working days
  • Equivalent workload and performance standards as those of comparable workers at the employer’s premises
  • Access to training and career development opportunities as those of comparable workers at the employer’s premises, and be subject to the same appraisal policies covering these workers
  • Appropriate training on the technical equipment at their disposal, and the characteristics and conditions of telecommuting
  • Collective rights as workers at the employer’s premises, and shall not be barred from communicating with workers’ representatives
Kung ikaw ay work from home at hindi mo natanggap ang mga nasa itaas, maaari ka nang lumapit sa isang corporate lawyer in the Philippines dahil ikaw ay protektado na salamat sa nasabing batas. Maaari mo nang hingin sa iyong employer ang iyong mga karapatan tulad ng sa regular na empleyado kahit ikaw ay work from home.

Bukod pa roon, layon din ng batas na i-promote ang work-life balance at solusyonan ang traffic sa bansa. Kung ikaw nga naman ay nagtatrabaho sa bahay, mas marami ka ng oras para sa iyong pamilya at hindi mo na kailangan mag-commute na malaking kabawasan sa iyong gastusin sa araw-araw.

Nakasalalay naman sa Department of Labor and Employment ang paggawa ng implementing rules and regulations ng nasabing batas. Maglalaan ang departamento ng tatlong taon upang pag-aralan ang mga advantages at disadvantages ng work from home arrangement.

Ngayong alam mo na ang ibig sabihin ng Telecommunication Act ayon sa mga corporate lawyer in the Philippines, nawa’y ito na ang maging sagot sa pang-araw-araw na problema ng mga empleyado sa bansa.

No comments

Powered by Blogger.