Mga Kailangan Mo Malamang Tungkol sa Consumer Act para kung Hindi ka Happy sa Ibinenta sa Iyo



Kahit sinong corporate lawyer sa Pilipinas ay alam na pagdating sa kahit na anong commercial industry, ang tunay at dapat na may kapangyarihan ay ang mamimili o consumer. Totoo naman— ang pagkakaroon ng demand ang pangunahing nagdudulot ng success ng negosyo kaya nga isa sa mga unang itinuturo sa marketing ay “create the demand”.

“No Return No Exchange”

Isa ito sa mga bagay na hindi lihim sa atin bilang karaniwang mamamayan. Nakikita natin ito kadalasan sa mga maliliit na establishments tulad ng ukay-ukay, mga dry goods section sa palengke, sa sampu-bente-trenta stalls, at marami pang iba.

Ang polisiya na ito ay bawal sa ating batas. Ang no return-no exchange policy ay paglabag sa iyong consumer rights. Ayon sa Consumer Act, karapatan mong ibalik o papalitan ang produktong maaaring may damage, sira, o ibinenta sa iyo nang may hidden charges. Bukod doon ay pasanin dapat ng institution na hanapan ng paraan para maiayos ang iyong hinanakit kung hindi posible ang return, refund, or exchange. Ang return, refund, exchange, and remedies ay prescribed sa ilalim ng Chapter I, Title III ng Consumer Act of the Philippines.

Pamilyar ang mga corporate lawyer in the Philippines sa bigat ng karapatan ng consumers na magreklamo at mabigyang-tugon sa kanilang hinaing, at hindi rin nagkukulang ang Department of Trade and Industry o DTI sa pagpapaalala sa parehong partido. Nagbibigay-paalala ito tungkol sa mga deceptive methods of sales, practices na ipinagbabawal, information sa kahalagahan ng suggested retail price at mga karapatang pwede nilang ma-avail tulad ng warranties. Sa kabilang banda, nagbibigay naman sila ng babala sa mga retailers at iba pang commercial establishments tungkol sa mga ipinagbabawal na mga practices tulad nga ng “no return-no exchange policy” na ating tinatalakay.








Maaaring iniisip mong “hindi ba parang mas malaki ang ikinalugi ng mga commercial establishments sa ganitong paraan?” at tama ka; ginawa and batas higit sa lahat upang protektahan ang consumer. Sa karamihan ng kaso, mas mariing pinapaburan ang consumer kaysa sa establishment. Gayunpaman, hindi pa rin ito dahilan para abusuhin ang Sistema. Kinikilala rin ng DTI ang karapatan ng mga companies sa unfair claims, tulad ng kung gusto ng refund o exchange dahil… wala lang, gusto lang ng consumer. Sa mga ganitong pagkakataon, alam rin ng corporate lawyers in the Philippines na ang kumpanya na kanilang irerepresent ay mas may laban pagdinig sa korte.

No comments

Powered by Blogger.