You’re FIRED! Part 2
Sa takbo ng teknolohiya sa mundo ngayon, hindi na rin nakabibigla ang introduction ng labor-saving devices sa iba’t-ibang industries na nagiging sanhi ng pagkawala ng trabaho para sa ilang tao. Nasasabayan pa ito ng pamamayagpag ng outsourcing na itinuturing na mas cost-efficient. Sa mga ganitong pagkakataon, at sa iba pang kadahilanan, may mga employers na pinipiling magbawas ng tao on account of redundancy, hindi na kailangan isangguni rin sa corporate lawyers ng mga companies in the Philippines para isagawa.
Hindi kagaya ng retrenchment due to losses na nauna nang tinalakay dito walang pagkalugi na kailangang i-establish sa redundancy. Sa redundancy, maaaring may dalawa o higit pang bilang ng empleyado na gumagawa ng parehong trabaho kung kaya’t nagiging labis ang bilang ng manpower kumpara sa sapat na pangangailangan lamang ng negosyo. Nagkakaroon din ng redundancy kung halimbawang nag-automate ng ilang processes ang kumpanya at hindi na kakailanganin ang serbisyo ng empleyadong naapektuhan.
Kagaya ng retrenchment gawa ng pagkalugi, required na magbigay ng 30-day notice ng kumpanya sa maaapektuhang empleyado at sa Department of Labor and Employment. Sa ilalim ng mga law in the Philippines, maaaring magkaroon ng corporate liability ang kumpanya o civil liability ang individual owner ng negosyo kung hindi ito masusunod. Kung magkakagayon, baka kailanganin pa ang serbisyo ng lawyer para ayusin ang gusot. Bukod sa 30-day notice, kailangan ding bayaran ng employer ang empleyado na apektado ng redundancy ng halagang katumbas ng isang buwang suweldo sa kada taon ng serbisyo kung saan binibilang na bilang isang taon ang anumang fraction ng anim na buwan o higit pa.
Bagaman may mga pagkakataon na overlapping ang pananaw ng mga tao sa retrenchment at redundancy, mayroon silang mga pinagkaiba na mainam na malaman ng bawat empleyado at kahit business owners. Batid ito ng mga corporate lawyers sa Pilipinas kung kaya’t bagaman at may mga instances na the terms are used interchangeably, naniniwala sila na it still pays off to be technically correct. Pagdating sa mga batas at mga karapatan, mahirap magkamali, kung kaya’t if in doubt, walang mawawala kung magtatanong sa isang abogado.
Leave a Comment